Nanay, kinatay at kinain ng sariling anak

75673

Negros Oriental – Patay ang isang nanay matapos katayin ng mismong anak nito kaninang umaga sa Purok 5, Barangay Boloc-Boloc sa bayan ng Sibulan sa Negros Oriental.

Kilala ang biktimang si Josefina Barera Manaban, 86-anyos, wala ng asawa at nakatira sa nasabing lugar.


Samantalang ang suspek ay kilalang si Roger Barera Manaban, 52-anyos, may asawa at walang permanenteng tinutuluyan.

Ayon kay PO3 Diaz, Police investigator ng PNP Sibulan sa interview ng DYWC RMN, naabutan nila ang suspek hawak ang isang patalim na ginamit umano ng suspek sa pagkatay ng biktima, at pagkatapos ay niluto at kinain ang lamang loob.

Hubad ang suspek at ang biktima kaya duda rin ang PNP na ginahasa ang biktima bago katayin.

Iniimbestigahan na rin ng mga pulis kung lulong sa impluwensya ng pinagbabawal na gamot ang suspek.

Wala umano sa tamang pag-iisip ang suspek na nakakulong na ngayon habang hinahanda na ng mga pulis ang kasong Parricide na isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers