10-month old baby ni Andi Eigenmann, trending matapos “mag-surf” sa dagat

Trending ngayon sa social media ang video ng 10-month old baby ni Andi Eigenmann sa professional surfer na si Philmar Alipayo.

Enjoy na enjoy kasi ang baby ni Andi na si Lilo sa malalaking alon sa Siargao habang nakasakay sa surfing board kasama ang kaniyang daddy na si Philmar.

Say ni Andi sa kaniyang Instagram post, ito ang unang pagkakataong nag-surf ang kaniyang baby Lilo kahit madalas itong maligo sa dagat.


Excited naman si Andi na dumating ang pagkakataong siya naman ang makasama ni Lilo sa pagse-surf.

Facebook Comments