PBA coaches, posibleng hindi isama sa mga ensayo ng kanilang koponan

Posibleng hindi makasama sa mga ensayo ng ilang koponan sa PBA ang kanilang coaches.

Ito ay sa oras na payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng mga laro.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, may ilang coaches ng PBA ang senior citizen na, kung saan sila ang itinuturing na mabilis makapitan ng COVID-19.


Kabilang dito sina Tim Cone, Yeng Guiao at Leo Austria na pawang nasa edad 60 na pataas.

Matatandaan nitong ika-11 ng Marso nang kanselahin ng PBA ang mga laro nito dahil sa COVID-19 at inaasahang ibabalik ngayong buwan ng Hunyo.

Facebook Comments