10 Motorized Banca, Ipinamahagi sa 30 Mangingisda sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela-Binigyan ng 10 motorized banca ang 30 benepisyaryong mangingisda mula sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya sa ilalim ng Department of Labor and Employment-Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang halaga ng bawat isang banca ay P90,000 kung saan kumpleto sa fiberglass material at built-in motor.

Layun ng programa na tulungan ang mga benepisyaryo sa mga pagsisikap sa kanilang kabuhayan at mapahusay pa lalo ang kanilang potensya na kumite.

Matatandaan na umabot sa 324 ang bangkang de-motor na ipinagkaloob sa mga mangingisda sa Cagayan province taong 2020 at 2021.

Samantala, binigyan din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 02 ang mga benepisyaryo ng fingerlings at fishnets bilang karagdagang tulong sa kanilang kabuhayan.

Dumalo naman sa aktibidad sina DOLE-Nueva Vizcaya Field Office (NVFO) OIC-Chief Elizabeth Martinez at Executive Assistant V, Sunshine Mondoñedo at ilang opisyal ng provincial government at LGU.

Facebook Comments