Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng sampung (10) panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lalawigan ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong araw, December 28, 2020, tatlo (3) ang naitala sa bayan ng Cordon, dalawa (2) sa Lungsod ng Ilagan, tig-isa (1) sa Lungsod ng Cauayan at Santiago maging sa mga bayan ng Gamu, Roxas, at San Mariano.
Pero, kasabay ng mga naitalang bagong positibong kaso, idineklara namang ‘Fully Recovered’ ng DOH 2 ang 47 na COVID-19 Patients sa Isabela.
Sa kasalukuyan, bumaba sa 249 ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Mula sa bilang na 249 active cases, pinakamarami ang Local Transmission na may 214; sumunod ang mga health worker na dalawampu (20), anim (6) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), limang (5) pulis at apat (4) na Returning Overseas Filipino (ROFs).