Partial opening ng Skyway Stage 3 Project, simula na bukas; mga motorista, libreng makakagamit ng kalsada

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na malaking tulong sa mga motorista ang Skyway Stage 3 Project matapos na pahintulutan silang dumaan dito nang libre o walang toll na babayaran, simula bukas December 29, 2020.

Ayon sa DOTr, sa kanilang pagtaya hanggang 30 minuto na lamang ang itatagal ng biyahe mula Alabang, Muntinlupa hanggang North Luzon Expressway (NLEX) at 20 minuto naman mula Makati hanggang Balintawak, Quezon City.

Ang Skyway Project 3 ay pinondohan ng San Miguel Corporation (SMC) sa ilalim ng Private Public Partnership (PPP) para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.


Facebook Comments