10 ninja cops tinututukan ng PNP IMEG dahil sa koneksyon sa napatay na retired pulis

Under surveillance ngayon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang sampung pulis na may koneskyon umano sa retiradong pulis na namatay sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City.

Ayon kay PNP IMEG Spokesperson Police Major Robert Reyes, mga taga NCR, Region 3 at Region 4A ang mga pulis na tinaguriang ninja cops.

Sila umano ang bumibili o kumukuha ng supply sa napatay na si retired police corporal Tirso Agustin Lactaotao.


Si Lactaotao ay sangkot umano sa pagre-recycle ng droga sa Rizal.

Nakuha sa kanya ang isang 9mm pistol, pitong sachet ng shabu at mga identification cards kabilang ang PNP ID at PDEA ID.

Facebook Comments