Sanggol na sinakal umano bago itinapon, natagpuan sa banyo ng NAIA

1162

Natagpuan ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa palikuran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon, Disyembre 8.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), isang janitress ang nakakita sa sanggol na babae na nakabalot ng plastic sa basurahan.


Nakapulupot sa leeg ng sanggol ang isang underwear na pinaniniwalaang mula sa nanay nito.

Bigo naman ang medical team sa tangkang pagsagip sa bata na ayon sa kanila ay sinakal muna bago iniwan.

Ipinag-utos na ni MIAA General Manager Ed Monreal ang pagtingin sa lahat ng CCTV sa pasilidad.

Facebook Comments

From Advertisers