Makakaranas nga 10 hours power interruption ang ilang bahagi ng Pangasinan ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Dahil ito sa Annual preventive maintenance at testing ng mga power equipment sa Labrador Substation, at ang isasagawang maintenance activities sa kahabaan ng Labrador-Bani transmission line segment sa darating na September 21, 2017 araw ng Huwebes mula 7:00 am hanggang 5:00 pm. Ang mga apektadong lugar ng 10 hours Power Interruption ay ang mga sumusunod:
CENPELCO:
- Whole Municipalities of Sual
- Whole Municipalities of Labrador
- Parts of Lingayen (Brgy. Balangobong, Capandanan, Domalandan East, Domalandan West, Estanza, Malimpuec, and Sabangan)
PANELCO 1:
- Alaminos City
- Mabini
- Burgos
- Dasol
- Infanta
- Agno
- Bani
- Anda
- Bolinao
Inaabisuhan ng NGCP ang lahat na apektadong customers at ang general public na gawin ang mga necessary preparations at precautions para sa nasabing scheduled interruption. Maaari namang maibalik ang kuryente ng mas maaga kung masigurong fully energized ang lahat ng linya.