10 Overflow Bridges sa Isabela, Hindi pa rin Madaanan dahil sa Pagbaha

Cauayan City, Isabela- Sarado pa rin ang ilang tulay sa probinsya ng Isabela dahil sa nananatiling lubog sab aha bunsod ng naranasang pag-uulan dala ng Bagyong Rolly.

Batay sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, hindi na madaanan ang Gucab at Annafunan sa Echague; Baculud at Cabisera 8 sa City of Ilagan; Cansan, Cabagan – Bagutari, Sto. Tomas overflow bridge; Cabagan – Santa Maria overflow bridge; Alicaocao sa Cauayan City; at Turod-Banquero sa Reina Mercedes.

Dahil hindi madaanan ang nasabing mga tulay, paraan ngayon ng mga residente ang sumakay sa bangka papasok sa kani-kanilang mga trabaho maging ang pag-uwi.


Inaabisuhan din ang publiko na dumaan sa ilang alternatibong daan habang hindi pa humuhupa ang nasabing mga tulay.

Samantala, isang spillway gate nalang ng Magat Dam ang nananatiling nakabukas na nasa 1-metro at naglalabas ng tubig 670 cubic meter per second habang 188.26 meters ang lebel ng tubig.

Tiniyak nang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC-Isabela) na handa ang kanilang hanay sa pagtugon sa insidente kaugnay sa nararanasang pag uulan sa ilang bahagi ng Probinsya.

Facebook Comments