Matinding paglago ng water hyacinths sa Pasig River, ina-agapan ng MMDA

44

Pinakilos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Metropolitan Public Safety Office (MPSO) para ipagpatuloy ang paglilinis sa matinding paglago ng water hyacinths na bumabalot sa malaking bahagi ng Pasig River.

Partikular ang paggamit ng trash skimmer, backhoe at trash boats para mapigil ang pagdami ng water hyacinths.


Bukod kasi sa maraming basura, ang water hyacinths ay bumabara rin sa pumping stations.

Ginagawa na kasi ngayon ng MMDA ang regular na paglilinis sa drainages at sa mga daluyan ng tubig bilang bahagi ng flood control measure.

Facebook Comments