10 Paaralan sa Cagayan Valley, Lalahok sa Pilot Face-to-Face Classes

Sa 177 na paaralan sa buong bansa na makikilahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes, 10 paaralan ang mula sa Cagayan Valley.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Tabang Integrated School (Sto. Niño, Cagayan)

2. Namuccayan Integrated School (Sto. Niño, Cagayan)


3. San Antonio Elementary School (City of Ilagan, Isabela)

4. San Lorenzo Elem. School (City of Ilagan, Isabela)

5. Santa Isabela Elem. School (City of Ilagan, Isabela)

6. Villa Flor Elem. School (Cauayan City, Isabela)

7. Cassap Fuera Elem. School (Cauayan City, Isabela)

8. Maligaya Elementary School Annex – (Cauayan City, Isabela)

9. Devera Elem. School (Cauayan City, Isabela)

10. Pinoma National High School (Cauayan City, Isabela)

Nakapasa sa ginawang iba’t ibang safety assessment ng DepEd at DOH ang mga bagong paaralan na lalahok sa pilot run.

Buo naman ang kumpiyansa ng DepED na magiging posible ang pagpapalawak ng pilot run sa susunod na taon dahil na rin sa ipinapakitang tagumpay at magandang takbo ng nasabing pilot run sa mga paaralang kabilang dito.

Facebook Comments