10 pang mga LGU, lumagda para maging katuwang ng DHSUD sa pagtatayo ng 1 milyong bahay

Sampu pang Local Government Units (LGU) pa ang pumirma para maging partner ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pagtatayo ng isang milyong bahay kada taon sa ilalim ng Pambansang Pabahay Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang sa mga pinakabagong LGU-enrollees ay ang lalawigan ng Bohol, ang mga lungsod ng Mandaue at Tagbilaran; Panglao, Bohol, at anim na bayan mula sa mga lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro.

Sa ngayon, umabot na sa 28 ang kabuuang bilang ng mga LGU na lumagda sa Memorandum of Understanding sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na nag-formalize ng kanilang layunin na ituloy ang mga proyektong pabahay sa kani-kanilang mga lugar.


Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa 28 LGUs, 11 na ang nagkaroon ng ground breaking kabilang ang mga lungsod ng Quezon at Marikina sa National Capital Region (NCR).

Paliwanag pa ni Acuzar na ang napakalaking suporta ng mga LGU ay nagpapahiwatig na ang programa sa pabahay ay nasa tamang landas.

Binigyang-diin ni Secretary Acuzar na ang mga LGU ay may napakahalagang papel sa programa mula sa mga yugto ng pagpaplano hanggang sa aktwal na turn over at maintenance.

Facebook Comments