10 sa 17 panukalang batas na  binanggit ni PBBM sa SONA, tiyak na ipapasa ng Kamara

Naaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang pito sa 17 panukala na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Kongreso sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

 

Nangako naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bago matapos ang kasalukuyang taon ay ipapasa ng Mababang Kapulungan ang sampu sa nabanggit na mga panukalang batas.

 

Sabi ni Romualdez, apat sa mga ito ay aaprubahan na nila pagsapit ng Oktubre na kinabibilangan ng:


 

  1. Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling
  2. Amyenda sa Cooperative Code
  3. Tatak Pinoy
  4. Blue Economy

 

Tiniyak ni Romualdez na ang anim na natitirang priority measures ay sa Disyembre naman nila ipapasa.

 

Kinabibilangan ito ng

 

  1. Motor Vehicle User’s Charge
  2. Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension
  3. Revised Procurement Law
  4. New Government Auditing Code
  5. Rationalization of Mining Fiscal Regime
  6. National Water Act
Facebook Comments