Mga residenteng na-trap sa isang barangay sa Palawan dahil sa Bagyong Egay, inilikas ng PCG

Courtesy: Philippine Coast Guard

Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Central Palawan ang mga residenteng apektado ng Super Typhoon Egay sa Barangay Bacungan, Puerto Princesa, Palawan.

Kabilang sa mga ito ang senior citizens, kabataan, at iba pang residente na-trap sa kanilang tahanan ngayong araw.

Inihatid sila sa pinakamalapit na evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan.


Tiniyak naman ng PCG na 24/7 silang nakabantay upang agarang makaresponde sa mga maaapektuhan ng masamang panahon.

Facebook Comments