10 Pinoy Games na Enjoyable Laruin sa Christmas Parties

IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
December na nga at malapit na nanaman ang christmas break ng mga estudyante at mga emplayado sa kani-kanilang mga opisina siyempre hindi nawawala palagi ang mga pa-party sa mga ganitong okasyon at hindi kumpleto ang party kung walang palaro kaya’t ito ang mga pinoy games na kinagigiliwan sa mga christmas party.
1. Trip to Jerusalem
IMAGE FROM: BALAY.PH

Isa ‘to sa mga sikat laro sa mga Christmas Party dahil sa mag-aagawan at magpapaunahan ang mga manlalaro sa mga bakanteng upuan habang tumutugtog ang isang kanta sa oras na mamatay ang tugtog ay tatakbo ang mga manlalaro papunta sa upuan para manatili sila sa laro.
2. Pinoy Henyo
IMAGE FROM: PRIMER.COM.PH
Sikat na sikat ang larong ‘to di lang sa bata pati na rin sa mga oldies at kahit sino ay pwede sumali at siguradong makaka-relate sa laro na ‘to dahil tagisan ng talino rito at malawak na kaalaman sa mga bagay-bagay
3. Limbo Rock
IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
Nakatutuwa ang larong ‘to dahil susukatin nito ang tibay ng balakang at likod mo pero hindi nga lang pwede sa ating lola at lolo o kahit sa ating mamshie at papshie na tinamaan ng arthritis dahil mala-Pilita Corales na bending.
4. Paper Dance
IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
Isa sa mga sikat na laro ‘to di lang tuwing sa christmas party kundi na rin kahit sa mga birthday party ay nilalaro ito dahil sa nakakatuwang laruin dahil susukatin nito ang balanse ng iyong katawan dahil habang patagal ng patagal ay tinutupi ang papel hanggang sa maging maliit nito hanggang sa hindi mo na makayanang magbalanse at matumba kayo ng kapareha mo. kinakailangan ito ng dalawang tao sa isang grupo mapababae man o lalaki ay pwede sumali
5. Stop Dance
IMAGE FROM: BALAY PH
Isa ‘to sa mga kinagigiliwang larong pinoy dahil sa patay bukas sa tugtog nito at sa pagpatay nito ay kailangan mong huminto at maging parang estatwa kun’di ay matatanggal at kapag tumogtog na ay pwede ka na muling sumayaw at sumabay sa indak ng kanta
6. Bring Me
Ito ang isa sa mga paboritong laro ng mga pinoy mapa-Christmas Party man o Birthday o kung anumang party yan ay hindi mawawala ang larong ‘to dahil ang gagawin mo lang ay sundin ang sasabihin ng may hawak ng mic kung ano ang dadalhin mo sa kanya at makikipagpaunahan ka madala ito sa kanya dahil kahit sino ay kasali rito basta madadala mo sa kanya ang kanyang kailangan
7. Longest Line
IMAGE FROM: FLIGNO
Hindi mawawala ang larong ‘to lalo na sa mga party dahil ubusan lang naman ‘to ng resources(gamit na dala o suot) dahil magpapahabaan kayo ng linya rito gamit ang inyong mga abubot sa katawan dahil mula ulo hanggang baba ay kakailanganin mo para lang manalo sa larong ‘to.
8. Calamansi Relay
IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
Ang larong ‘to ay pagalingan magbalanse habang ang kutsara ay nasa iyong bibig at nakalagay ang isang kalamansi. Nilalaro ito ng grupo kahit ilang bilang ng miyembro. Ang gagawin mo lang ay pupunta sa isang upuan at iikot dito at pagkatapos ay pupunta sa iyong mga kasama para ibigay ang calamansi gamit ang kutsara na nasa iyong bibig hanggang sa makaikot ang iyong mga kasama
9. The Boat Is Sinking
IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
Ito ang isa sa mga sikat na larong pinoy sa mga parties dahil di susukatan ang tatag nang iyong pangangatawan dahil sa mala-wrestling na larong ito. Dahil kapag sinabi ng nagsasalita na “the boat is sinking group yourselves in to 5” ay kailangan mo makakuha ng mga makakasama mo dahil kung hindi ay lahat kayo ay matatanggal dahil survival of the fittest ang larong ito at di maiiwasan na magkasakitan ang mga manlalaro pero siguradong mag-e-enjoy ka sa larong ito.
10. Hep-Hep-Hooray
IMAGE FROM: AFE-ADB
Sikat na nga ang larong ito, dahil di lang pantelebisyon dahil kahit sa mga party ay nilalaro ito. May ibang nilalagyan ng twist ang larong ito para maging iba dahil sa larong ito ay susukatin ang iyong pandinig at pokus dahil sa oras na matapat na sa iyo ang mic ay kailangan mong sabihin ang Hep-Hep kasama ang pagtaas nang dalawang kamay o kaya Hooray naman na may kasamang palakpak. Kung magkamali ka nang sabi o sa galaw ay maaari kang matanggal.
Ito nga ang mga pinoy games na kinagigiliwan at nilalaro natin sa tuwing darating ang ating Christmas Party pero hindi lang naman yan ang pwede natin laruin maaari rin tayong umiisip ng ibang laro na susukatin ang ating talino at pisikal na pangangatawan na siguradong nakakatuwa.

 


Article written by Jerom Aboy

 

Facebook Comments