TIMBOG! | Amerikanong pari, arestado sa 50 bilang ng kasong panggagahasa sa biliran

Arestado ang isang Amerikanong pari dahil limampung (50) bilang ng kasong rape at sexual harassment.

Ang 78-anyos na si Fr. Kenneth Bernard Hendricks ay hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration at US Homeland Security sa Naval, Biliran kung saan siya nakabase.

Ayon sa B.I., karamihan ng mga nabiktima ng pari ay mga sakristan at kaanak ng mga empleyado ng kanilang simbahan.


Kaagad na dinala sa biliran provincial hospital ang suspek para sa kaukulang medical exam bago siya iluwas sa Maynila.

Facebook Comments