10-porsento ng dolomite sand sa Manila Bay, inanod na sa karagatan – DENR

Inanod na sa karagatan ang nasa 10-porsyento ng dolomited sand sa Manila Bay bunga ng tuluy-tuloy na pag-uulan.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, natabunan na ang artificial white sand ng mga maitim na buhangin.

Dagdag pa ni Leones, naglagay sila ng dolomite sand sa tubig upang imbes na regular black sand, ang artificial white sand ang aanurin sa beach.


“Nakikita natin ‘yong magiging problema. Puwede laging mag-adjust. So later on, lalagyan pa rin namin dolomite ‘yon pati sa tubig na para at least pagka lumakas ‘yong wave, hindi na black sand ang dadalhin ng tubig, white sand na,” sabi ni Leones.

Ang pagtatambak ng dolomite sand sa Baywalk ay bahagi ng rehabilitation program ng Manila Bay.

Facebook Comments