10 presidential candidates, pinal na – COMELEC

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na wala nang nuisance candidate sa sampung presidential aspirants para sa halalan sa Mayo.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kinukonsidera nila ang isang aspirant bilang opisyal na kandidato hangga’t mayroon silang “bonafide intention” o totoong intensyon para tumakbo sa pwesto.

Aniya, hindi papalitan ng poll body ang pamantayan ng isang kakandidato lalo na kung ito ay kwalipikado batay sa mga ipinagkaloob ng Konstitusyon.


Aminado naman si Jimenez na tiyak na makakatanggap sila ng mga batikos sakaling magpatupad sila ng mas mahigpit na mga pamantayan ng isang kandidato.

Facebook Comments