AFP, may bagong donasyong eroplano mula sa isang mining company

185
(Photo courtesy of AFP)

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa donasyong eroplano sa Philippine Army (PA) ng Semirara Mining and Power Corporation na pag-aari ng Pamilya Consunji.

Kahapon, nilagdaan ang deed of donation sa turnover ceremony sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City.

Ang segunda-manong Short Brothers & Harland SD3-30 ay twin-engine turbo-prop aircraft na may kapasidad na 27 pasahero.


Malaki umano ang maitutulong ng donasyon para mapalakas ang kakayahan ng army aviation forces.

Gagamitin ng Philippine Army ang eroplano sa pagbibigay ng suporta sa ground troops.

Facebook Comments