10 pulis sa Pampanga na nagnakaw umano sa 10 sabungero sa Bacolor, sinibak sa pwesto

Tinanggal na sa pwesto ang sampung pulis sa Pampanga na nagnakaw umano sa mga sabungero habang nagtutupada sa Bacolor, Pampanga.

Ito ay matapos na iutos ni Police Regional Office 3 o Central Luzon Philippine National Police (PNP) Director, P/BGen. Matthew Baccay.

Inireklamo ang mga pulis na miyembro ng Pampanga Provincial Intelligence Office matapos salakayin ang isang compound sa Barangay Duat dahil sa iligal na tupada pero kinuha lang ng mga pulis ang pera sa mga ito na nagkakahalaga ng mahigit ₱370,000 at hindi inaresto ang mga iligal na nagtutupada.


Ayon kay Baccay, layunin ng pagsibak sa mga pulis ay upang bigyang daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon at para maiwasan din na maimpluwensyahan ito.

Kahapon ay pormal nang nagsampa ng reklamo sa Pampanga Provincial Police Office ang 10 biktimang sabungero habang inilipat naman sa Regional Personel Holding and Accounting Unit ang 10 akusadong pulis.

Facebook Comments