Dagupan City, Pangasinan, nakapagtala ng 50° Celsius na init factor kahapon

Nakapagtala ng sobrang mainit na temperatura ang Dagupan City, Pangasinan kahapon ng hapon.

Sa talaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) umaabot sa 50° celsius hit index ang naitala sa dagupan ganap na alas-5:00 ng hapon.

Sa Virac, Catanduanes 47° celsius hit index mnaman ang temperatura alas-2:00 ng hapon.


Habang 45° celsius ang naitala sa CLSU Muños sa Nueva Ecija kahapon ng alas-2:00 ng hapon.

Kapwa nakapag tala naman 42° celsius sa hit index sa Masbate City at Sangley Point Cavite.

Paalala ng PAGASA na uminum ng maraming tubig at iwasan ang direktang sikat ng araw lalo na sa hapon at tanghali kung saan mataas ang hit index.

Facebook Comments