10 sako ng nakumpiskang modified muffler dinurog ng LGU Kalibo at Kalibo PNP Station

9

Kalibo, Aklan— Daan-daang modified at illegal muffler ang sabay na sinira ng mga tauhan ng LGU Kalibo at Kalibo PNP Station kaninang umaga sa harap ng bagong municipal building. Ang naturang hakbang ay bahagi ng pagpapatupad sa Municipal Ordinance number 2016-003 kung saan nagpapataw ng penalty sa mga drivers na maiingay ang tambutso ng mga motorsiklo. Sa ilalim ng naturang ordinansa ang modified at maiingay na mufflers ay kailangang kumpiskahin habang ang mga driver naman ay pagmumultahin ng P1,500 sa first offense at P2,500 sa second offense. Obligado rin ang mga ito na ikabit ang factory manufactured at installed muffler. Gamit ang backhoe ay dinurog ang mga nakumpiskang tambutso sa ilalim ng superbisyon ng LGU at PNP.

Facebook Comments