𝟰𝟵-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗔𝗡𝗧𝗜𝗚𝗘𝗡 𝗧𝗘𝗦𝗧

Natividad, Pangasinan – Patay ang isang 49-anyos na lalaki matapos itong mag-baril ng sarili nang malamang nagpositibo siya sa antigen test para sa COVID-19.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na depressed umano ang biktima na kinilalang si Crisanto Delos Reyes. Ayon pa sa pulisya, pasado alas tres ng hapon nang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo.

Agad namang isinailalim sa cremation ang labi ng biktima habang narekober naman ng mga pulis sa crime scene ang isang caliber 38 na ginamit umano sa pamamaril.


Facebook Comments