Ipinad-lock na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 10 sangay ng Global Mobility Service Philippines Inc. dahil natuklasang may paglabag sa National Internal Revenue Code.
Ayon sa BIR, hanggat hindi nakakatugon sa mga requirements at bayarin na penalties ang GMS, mananatiling sarado ang mga sangay nito sa Manila, Quezon City, Antipolo, Cavite, Bulacan, Pampanga, Isabela, Cebu, Davao at Sorsogon.
Ang kumpanya na may business address sa Salcedo Bldg. sa Legaspi Village, Makati City, ay nagbebenta ng mga motorcycles, sidecars, rear-engined three-wheeler 198cc, Mobility Cloud Connecting System (MCCS), harness at stickers.
Sa isinagawang berepikasyon, natuklasan na mayroon lamang dalawang rehistradong sangay ito maliban sa home office ng GMS.
Nahuli rin silang gumagamit ng unregistered invoices at receipts sa kanilang warehouses ng isilbi ang closure orders.