CAUAYAN CITY – Muling magdaragdag ng 10 solar-powered irrigation systems (SPIS) ang National Irrigation Administration (NIA) Region 2 sa bayan ng Bambang, Aritao, Bayombong, Quezon, Sta. Fe, Villaverde, at Solano.
Sa pahayag ni Engineer, Felipa Sumer, NIA Irrigation Management Office Chief, na sisimulan ngayong taon ang pagsasagawa ng naturang proyekto kung saan mahigit 150 farmers ang mabebenipisyuhan sa buong lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Bukod pa dito, hinikayat din niya ang mga irrigators associations na mag-donate ng kahit 200 square meters ng lupa para sa mga ipapatayong solar-powered irrigation systems sa kanilang komunidad.
Facebook Comments