10, sugatan sa banggaan ng bus at jeep sa EDSA-Timog Avenue

72

Manila, Philippines – Sugatan ang sampung pasahero sa banggaan ng bus at jeep sa intersection ng EDSA-Timog Avenue kaninang umaga.

Sa ulat – patawid papuntang timog avenue ang jeep mula EDSA nang abutan ito ng stoplight sa gitna ng kalsada.

Nagkataon namang bumabaybay sa EDSA ang bus at nabangga ang jeep.

Kumalat sa kalsada ang langis mula sa tumagilid na jeep na agad namang tinabunan ng lupa ng mga tauhan ng MMDA.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan kabilang ang isang taho vendor na nagtamo ng first degree burn sa dibdib at tiyan matapos na tumapon sa kanya ang bitbit na taho.

Alas 7:00 na kaninang umaga nang maialis ang humambalang na bus at jeep sa kalsada.

Facebook Comments