Mga miyembro ng NPA na nangingikil sa mga residente ng Negros Oriental, nakasagupa ng militar

1190

Negros Oriental – Nakasagupa ng tropa ng militar ang mga miyembro ng Communist NPA Terrorists group sa Sitio Baliw, Brgy. Bagtic, Mabinay, Negros Oriental nitong nakalipas na araw.

Ayon kat Lt.Col. Patricio Tomales, Commanding Officer ng 15th Infantry Battalion, nakatanggap umano ng reports ang militar na may grupo ng NPA terrorists ang sapilitang nanghihingi ng bigas at pera sa mga residente sa nabanggit na lugar.


Agad namang nagresponde ang tropa ng Alpha Company ng 15IB kung saan naabutan pa ang terrorists group at nagpalitan ng putok sa loob ng 30 minuto.

Bagama’t nakatakas, nakarekober naman ang tropa ng pamahalaan ng isang M16 rifle, labing isang magazine, anti-personnel mines, rifle grenade, commercial radios, mga bala , mga subersibong dokumento at personnel belongings.

Kaugnay nito, nanawagan pa ni Lt.Col. sa publiko na huwag matakot na ipagbigay alam sa militar ang anumang presensiya at aktibidad ng teroristang grupo upang matuldukan na ang panghihingi ng pera ng mga ito na modus operandi ng CPP-NPA Terrorist.

Facebook Comments

From Advertisers