10 SWAT team members ng PNP Ilagan City, Positibo sa COVID-19

45

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 13 pulis ng Ilagan City Police Station ang tinamaan ng COVID-19.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PLTCOL. Virgilio Abellera Jr., hepe ng PNP- Ilagan City, nakapasailalim sa istriktong quarantine protocols ang 10 SWAT teams members gayundin ang 3 iba pa.


Sinabi ni Abellera na tuloy pa rin ang mga transaksyon sa kanilang himpilan subalit nagkaroon lang ng konting pagbabago dahil minabuti nilang maglagay nalang ng‘tent’ sa labas para sa gagawing anumang uri ng transaksyon.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng hepe ang pagpapatrolya sa lungsod at papanagutin ang mga lalabag sa mahigpit na health protocol.

Nakipag-ugnayan na rin ito sa mga opisyal ng barangay na mangyaring ang mahuhuling lalabag ay sasailalim sa ‘community service’ maliban pa ang ipapataw na multa ng LGU.

Samantala, naikategorya naman sa ‘Local Transmission in Enclosed Facilities’ ang kanilang himpilan batay sa datos ng Department of Health (DOH) region 2.




Sa ngayon, tanging hiling lang ni Abellera sa publiko na sumunod sa ipinapatupad na polisiya upang makaiwas sa pagkahawa ng virus.

Facebook Comments