Top 3 most wanted person ng Kalibo, arestado

34

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga taga CIDG-Aklan at Kalibo PNP ang Top 3 most wanted person ng Kalibo kaninang umaga sa Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan. Ang akusado ay nakilalang si Kritz Jasper Bayca y Santiago, 20-anyos at residente ng nasabing lugar. Inaresto si Bayca sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 15655 sa kasong Rape na inisyu ni Hon. Bienvinido P. Barrios Jr, Presiding Judge, Regional Trial Court, Kalibo, Aklan, 6th Judicial Region, Branch 3, na may petsang January 11, 2021. Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito. Si Bayca ay nakatakda namang i-turn over sa korte.

Facebook Comments