10 taong validity sa pasaporte, niratipikahan na ng kongreso

Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Kamara ang panukalang nagpapalawig sa validity ng pasaporte.

Mula sa kasalukuyang limang taon validity ay gagawin ng sampung taon ang validity ng passport para sa mga matatanda, habang limang taon naman sa mga menor de edad o mga may edad na 17 anyos pababa.

Inaamyendahan ng panukala ang Section 10 ng passport law.


Malaki ang maitutulong ng pagpapalawig sa passport validity lalo na sa mga OFWs na nahihirapan sa kada limang taon na pagrerenew ng mga pasaporte.

Bukod dito ay malaki din ang maibabawas nito sa mahabang pila sa tuwing kumukuha o nagrerenew ng pasaporte.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments