KAUNA-UNAHANG GUSALI NG PHILHEALTH SA BUONG PILIPINAS, ITINAYO SA CAGAYAN

CAUAYAN CITY- Makalipas ang ilang taon, naitayo na sa wakas ang sariling gusali ng PhilHealth Region 02 na matatagpuan sa Carig, Tuguegarao City.

Aabot naman sa P270 milyon ang inilaang budget sa pagpapatayo ng naturang 4-storey building.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Regional Vice President Llewelyn Binasoy ang mgaa nuanang RVP na nagsulong upang makapagpatayo sila ng kanilang sariling building.


Sinabi naman ni Atty. Ely Santos, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng Philhealth, inuna lamang mapatayuan ng Rehiyon dos ngunit nakatakda na ring isunod ang iba pang regional offices sa buong bansa.

Kaugnay nito, kapalit ng bagong gusali ay ipinangako naman ng ahensya ang kanilang mas mahusay na pagsisilbi sa mga kliyente at pagbubukas ng iba’t ibang programang makatutulong sa bawat Pilipinong nangangailangan.

Facebook Comments