Magdidisyembre na naman! Ika nga ng karamihan, “it’s the most wonderful time of the year.” Ngunit paano mo ito mararamdaman kung kasing lamig ng simoy ng hangin ang iyong pag-iisa? Isa ka ba sa mga kasapi ng SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko? Worry no more! Narito ang ilang mga dapat gawin o pupwedeng pagkakaabalahan na maaari mong gawin ngayong parating na Disyembre.
1. Magsimbang gabi
Malapit na ang pasko at isa sa pinahihintay ng mga Pilipino ang simbang gabi. Kumpletuhin mo ito nang sa gayon ay matupad naman ang wish mo na magkaroon ng kasama sa buhay. Malay mo, nasa tabi mo na pala ang taong para sa’yo at hindi ka na member ng SMP next year.
2. Spend more time for family and friends
Wag mong isiping nag-iisa ka sa pasko dahil hindi mawawala ang ating pamilya o mga kaibigan na pupwede nating makasama sa galaan, kwentuhan o bonding. Gamitin mo ang oras na ito para makipag-bond sa kanila ng mas mahaba at maenjoy niyo ang bawat oras na kayo’y magkakasama.
3. Lumabas sa mall
Kung nababagot ka naman dahil parati ka nalang mag-isa at walang magawa sa loob ng bahay, mag mall ka nalang at mag-shopping. Sabi nga nila, make time for yourself. Gamitin mo ang oras na ito para paunlarin at i-enjoy ang iyong sarili.
4. Mag work-out
Pwede ka ring mag work-out para habang naghihintay sa “the right one,” nabubuild-up mo ang iyong sarili at nadadagdagan ang iyong confidence. Makatutulong din ito para maging healthy ka at physically active.
5. Soul searching o mag-travel
Ito ang isa sa mga mahilig gawin ng mga brokenhearted o mga malalamig ang pasko. Tawag nga nila sa pagtatravel ay ‘soul searching’ na rin dahil bukod sa maeenjoy mo ang mga magagandang pupuntahan mo, pwede mong mahanap ang sarili mo rito. Pumunta ka sa iba’t ibang lugar na hindi mo pa napupuntahan ngayong Pasko, malay mo, doon mo pa mahanap ang the right one.
6. Gawin ang hobby
Maraming mga hobby ang pupwede mong gawin ngayong darating na Disyembre tulad ng pagpipinta, pagdodrawing, pagkanta, pagsayaw at marami pang iba na makatutulong upang ikaw ay maging abala at hindi maramdaman ang lamig ng iyong pag-iisa.O kaya gawin mo ang iyong mga natural na hobby na madalas ginagawa upang mas maging mahusay pa rito.
7. Mangaroling
Sinong nagsabi na mga bata lang ang pwedeng mangaroling? Gamitin mo ang oras na ito para mangaroling at maramdaman ang diwa ng pasko. Pupwede ka ring magpasama sa mga kaibigan mo, maghandog kayo ng awitin pampasko. Nagkaroon na kayo ng bonding, magkakaroon pa kayo ng kaunting pera na malaki ang gamit sa araw-araw.
8. Mag-business
Sa panahon ngayon, uso na ang mga maliliit na negosyo tulad ng pagbebenta ng kung ano-ano, pagbebenta sa mga buy and sell at online selling. Malaki ang maitutulong nito sayo dahil kikita ka na, magkakaroon ka pa ng dagdag kita para sa darating na kapaskuhan.
9. Find new friends
Kung ang hanap mo talaga ay magkaroon ng kasama sa darating na Pasko, pwede ka namang gumawa ng hakbang para maghanap ng bagong kaibigan o kakilala na makatutulong sa pagbuo ng iyong sarili. Gumala ka mag-isa at pumunta sa maraming tao at magsimulang makipagkaibigan. malay mo, sa ganung paraan mo pala makikilala ang taong para sa’yo. lahat ay kinakailangan lang ng tamang pasensya at tamang oras.
10. Alamin ang totoong esensya ng Pasko
Panghuli, wag kalimutang alamin ang totoong esensya ng Pasko. Ito ay araw kung saan sinecelebrate natin ang kapanganakan ng Panginoong Diyos kaya marapat lang na ilaan natin ito sa Kanya at gumawa ng mga bagay na makatutulong sa pag-alala at pagsasabuhay ng Pasko.
Article written by Mickaella Pelobello