Disyembre na naman at ito ang panahon kung saan kaliwa’t kanan ang mga kainan, dahil sa papalapit na mga holidays ay hindi maiiwasan na mapakain ka ng marami ngunit paano nga ba maiiwasan na madagdagan ang timbang ngayong holiday? Narito ang 10 tips na maaaring makatulong sa inyo:
- Huwag aalis ng bahay ng gutom, kumain bago umalis. Makakatulong ito upang pagdating sa handaan ay hindi ka gutom na gutom at mas makokontrol mo ang iyong pagkain sa madaling salita huwag isabuhay ang kaugaliang “Hindi na muna ako kakaen, marami namang handa doon”.
- Iwasan ang matatamis na pagkain dahil isa ito sa dahilan kung bat mabilis madagdagan ang timbang ng tao.
- Makipag-usap sa mga kasama, focus on the event rather than food. Sa paraang ito mas maibabaling mo ang atensyon mo sa mga nangyayari sa paligid sa halip na sa pagkain.
- Limitahan ang sarili sa pag-inom ng alak at iba pang carbonated drinks, ito ang kadalasang nagpapalaki ng tiyan.
- Huwag pumwesto malapit sa buffet table para mas maiwasan ang tukso, mas mabuti kung nakatalikod ka sa mga pagkain para hindi mo ito makita.
- Magsuot ng magarang alahas, mas maganda pag kumikinang. It can be a reminder to you to eat moderately, pasosyal lang dapat.
- Exercise! Hindi ka man pumayat sa pag-eehersisyo at least mas may possibility na hindi madagdagan ang timbang mo. Balance is the key!
- Learn to say no! Huwag maging kaladkarin sa mga handaan bes! Huwag mo naman puntahan lahat.
- Drink more water instead of juices or softdrinks, makakatulong ito para mas mabilis madigest ang kinain mo.
- Matutong mahiya, huwag sugapa.
Article written by Camille Joy M. Regalado
Facebook Comments