10 trak ng basura sa katatapos na eleksyon, nakolekta sa QC

Quezon City – Nasa 98 cubic meters katumbas ng 10 units ng truck ang nakukulekta nang mga election materials ng Quezon City Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Ayon kay EPWMD Garbage Collection Section Chief Jesen Balingit, magpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang maubos ang lahat ng kalat sa kalye.

Inatasan na rin ng Barangay Community Relations Department ang lahat ng barangay sa lungsod na tumulong na din sa paglilinis.


Ngayong araw, magpupulong ang EPWMD at EcoWaste Coalition para sa turnover ng mga campaign materials na maaaring mapakinabangan.

Malaking tulong din ang ginawa ng QCPD na operation baklas  bago pa man ang May 13 elections kung saan nakakulekta ng may 33,840 piraso ng election materials na tinanggal sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Katuwang din sa paglilinis sa mga barangay ang mga tauhan ng QCPD at Comelec.

Lahat ng mga nabaklas na basura ay dinadala sa Camp Karingal at Manila seedings.

Facebook Comments