10 Unique and Fun Things To Do in Metro Manila

Sawang-sawa ka na ba sa ingay, traffic at pagiging magulo ng Manila? Bago ka pa mainis ay subukan ang ilang kakaiba at masayang gawin sa siyudad na ito:

  • Mag-shopping sa Divisoria
IMAGE: A MOMMA ABROAD

Idol! Mahilig ka ba mag-shopping at mamili  ng iyong pang-ootd? Divisoria ang sagot dyan! Dito makikita ang sandamakmak at murang damit, sapatos at kung ano-ano pa na swak na swak sa iyong budget! Marami rin mall ang matatagpuan dito tulad ng 168, 999, Dragon 8 at  Divisoria mall. Ang iyong P1000 ay marami nang mabibili.

  • Food Trip sa Maginhawa
IMAGE: TRAVELANDGETLOST

Matatagpuan naman ang Maginhawa Food Park sa Quezon City kung saan samu’t saring pagkain ang iyong matitikman tulad ng dessert, ihaw-ihaw at iba’t ibang klase ng inumin. Tamang-tama ito para sa mga food blogger, mahilig kumain at gustong mag-try ng bagong makakainan. Hindi lang masarap kundi “instagrammable” din!

  • Extreme Rides sa Star City
IMAGE: STAR CITY (FACEBOOK)

Ang Star City naman sa Pasay ang sagot kung naghahanap ka nang kaunting adventure at extreme rides. Matatagpuan dito ang iba’t ibang klase ng rides tulad ng Star Frisbee, Viking, Star Flyer at iba pa. Pwede rin mag-enjoy ang kids ang rides na tulad ng Quack Quack, Little Tykes at Rodeo. Recommended ito para sa buong family at tropa.

  • Museum Hopping
IMAGE: NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS (FACEBOOK)

Kung ikaw naman ay interested sa history, ang National Museum ang sagot dyan! Nahahati ito sa apat kung saan makikita ang iba’t ibang paintings at artifacts. Kung “artsy” kang tao ay tiyak na magugustuhan mo ang ambiance ng museong ito. Good news din dahil libre na ang entrance fee. Ito ay bukas mula 10am to 5pm tuwing martes hanggang linggo.

  • Photo walk sa BGC
IMAGE: ARTS AT BGC// @darlchua (facebook)

Ang Bonifacio Global City o BGC sa Taguig ay kilala sa pagkakaroon ng “city vibes”. Kung ikaw ay isang photo enthusiast ay macacapture mo ang iba’t ibang gusali at city lights dito. Kung ikaw naman ay mahilig mag-pose at “model wanna be”, ang paintings sa iba’t ibang pader ng BGC ang tamang background para sa iyong photo na pang-instagram.

  • Mag-appreciate ng nature sa Rainforest Park

Kung ikaw ay nature lover at nais pang mas ma-appreciate ang nature, Rainforest Park sa Pasig City ang para sa’yo! Bukod sa mga nagtataasang puno rito na talaga namang bibigyan ka ng fresh air, mayroon din mini zoo rito kung saan ma-eenjoy ng kids plus mayroon din swimming pools na tiyak hindi ka mabobored dahil sa kanilang water rapid at olympic-sized pools.

  • Sight Seeing sa MOA Eye
IMAGE: MOA EYE (FACEBOOK)

Ang MOA eye ang pinakamataas na ferris wheel sa Manila kung saan maaari mong makita ang buong kagandahan ng Manila Bay at mga nagtataasang buildings sa Manila. Tamang-tama rin ito para sa mga gustong mag-relax at magkaroon nang kaunting peace of mind.

  • Magliwaliw sa Quezon City Circle

Kung kasama naman ang buong pamilya at naghahanap ng lugar para sa family bonding, tamang-tama ang Quezon City Circle kung saan may iba’t iba kang pwedeng enjoyin sa park tulad ng rides at playground para sa kids. Zumba para sa mga mommy, tita at lola. Mag-bike riding para sa mga ate at kuya. Mag-jogging para sa mga tatay. Pwedeng-pwede rin ito sa mga lovers kung saan pwedeng-pwede sila mag-holding hands while walking sa kahabaan ng park at kumain sa mga food stalls dito.

  • I-explore ang Intramuros
IMAGE: INTRAMUROS CARRIAGE TOUR (FACEBOOK)

Ang Intramuros ang isa sa mga palatandaan na makasaysayan ang Manila. Maganda itong bisitahin ng mga gustong makaalam ng ating history lalo na ng mga studyante. Bukod sa napakagandang historic wall ay makikita rin sa loob ng Intramuros ang San Agustin Church na napabilang sa UNESCO World Heritage. Perfect din ang mala-Vigan vibes ng Calle Crisologo.

  • Night life sa Taft

Idol kung ikaw naman ay stressed na at gustong mag-unwind at maging wild nang kaunti, ang iba’t ibang night party sa Taft ang sagot dyan. Matatagpuan ang iba’t ibang bar dito kung saan pwede kang sumayaw, pumarty at ma-experience ang kasiyahan sa Taft.


Article written by Hannah Rebultan

Facebook Comments