10-year-contractual workers sa Pasig City hall, gagawin nang regular sa trabaho

Gagawin nang regular sa trabaho ng Pasig City government ang lahat ng mga empleyado nitong 10 taon nang nagsisilbi sa lungsod.

Ito ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Linggo, October 10.

Ayon sa alkalde, epektibo ang polisiya sa Enero ng susunod ng taon.


Sa ilalim ng pamumuno si Sotto, dumoble ang bilang ng mga naregular na government workers sa lungsod sa loob lamang ng dalawang taon.

Ang batang alkalde ay kinilala ng US State Department bilang isa sa “anti-corruption champions” sa buong mundo.

Facebook Comments