10-year old Fil-Am na finalist sa America’s Got Talent, binigyan ng standing ovation ng mga hurado

Amerika – Binigyan ng standing ovation ng mga hurado ang aspiring Filipina-American finalist ng America’s Got Talent (AGT) season 12 na si Angelica Hale sa California.

Kinanta ng 10-year-old Pinay superstar ang “symphony” ng British electronic music group na Clean Bandit.

Tuwang-tuwa naman ang isa sa mga hurado na si Simon Cowell.
Sabi niya, si Angelica ang pinakamagaling na singer sa kompetisyon at deserve nitong manalo.


Facebook Comments