Anim na kilo ng pork sausage, bumagsak sa bubong ng isang pamilya sa Florida

Florida – Hindi makapaniwala ang isang pamilya sa Florida matapos nilang madiskubre ang tatlong kahon ng Italian pork sausage na bumagsak sa kanilang bubungan.

Kwento ng pamilya Adair, sa kalagitnaan ng kanilang pagtulog ay narinig na lamang nila ang malakas na kalabog sa kanilang bubong.

At nang lumabas ng bahay, laking gulat ng mag-asawang Travis at Jennie nang bumungad sa kanila ang nasa anim na kilo ng sausage.


Wala namang nag-claim sa naturang package kaya naisipan na lang nila itong lutuin.

Facebook Comments