10 YEARS VALIDITY | Bagong pasaporte, ilalabas ng DFA ngayong araw

Manila, Philippines – Inilunsad ngayong araw ng Department of Foreign Affairs ang bagong model ng Philippine Passport na may sampung taong validity.

Pinangunahan ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang launching ng bagong pasaporte sa DFA-Office of Consular Affairs sa Parañaque city.

Buwan ng Agosto ng nakaraang taon nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalawig ng validity ng Philippine Passport ng 10 taon mula sa dating limang taon.


Mananatili namang limang taon ang validity ng mga kukuha ng passport ng may edad disi-otso pababa.

Facebook Comments