100 Alagang Baka, Target Ipamahagi sa mga Magsasaka ng City of Ilagan

14

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang bigyan ng financial assistance ang mga Magsasaka sa City of Ilagan sa pamamagitan ng programa ng Department of Agriculture (DA) Region 2.

Ayon kay Mayor Josemarie Diaz, plano rin ng LGU ang pamamahagi naman ng nasa 100 piraso ng alagang baka sa mga target beneficiaries at iba pang financial subsidies naman sa mga apektadong indibidwal.


Sa kasalukuyan nagsimula na ang konstruksyon sa Gourmix Processing and Manufacturing Center para sa pagpapanatili ng supplemental feeding program ng lungsod.

Samantala, tuloy-tuloy aniya ang rehabilitasyon sa mga farm-to-market roads sa ilang barangay upang hindi na mahirapan ang mga Ilagueño at makapagbigay ginhawa sa mga Magsasaka.

Sama-sama aniya na magtutulungan upang matiyak sa publiko ang pagkakaroon ng siyudad na magandang manirahan.

Facebook Comments