50 na nagkilos protesta sa España, Maynila, tinaboy ng MPD

18

Nagkilos proresta ang nasa 50 militanteng grupo sa España, lungsod ng Maynila.

Gayunman, hindi sila umubra sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kung saan agad silang nataboy.


Ayon sa MPD, bawal ang ganitong pagtitipon dahil umiiral pa rin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Hindi naman na pumalag ang grupong Buklurang Manggagawang Pilipino at iba pang militanteng grupo at unti-unting naglakad papalayo.

Samantala, dinala sa tanggapan ng MPD ang nasa 20 na mga jeep na ginamit na sasakayan ng mga nag-rally.

Facebook Comments