Marawi City – Aabot sa 100 na babaeng sundalo at pulis ang ipadadala sa lungsod ng Marawi.
Ang mga ito ay susuporta sa ikakasang recovery, reconstruction at rehabilitation sa Marawi.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, sa August 29 ide-deploy ang mga babaeng sundalo at pulis sa lungsod.
Nagsasanay aniya ang mga babaeng sundalo at pulis noong August 21 at matatapos sa August 25.
Sila ang mangangasiwa sa psychosocial intervention, peace building, prevention at counter violent extremism.
Layon din ng pagpapadala sa kanila ay para magkaroon ng feminine touch ang Marawi lalo’t nangingibaw ang mga lalaking sundalo at pulis sa main battle area.
Naniniwala aniya ang AFP na mas magiging madali ang gagawing rehabilitasyon sa Marawi dahil mas magiging approachable ang mga babae.