Asawa ni COMELEC Chair Andres Bautista, haharap sa Kamara

Manila, Philippines – Nakahanda ang maybahay ni COMELEC Chairman Andres Bautista na si Patricia Bautista na tumestigo at humarap sa Kamara.

Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, kasama ang affidavit ni Tish sa isinumite ng impeachment complaint laban kay Chairman Bautista.

Ito ay may kinalaman sa ibinulgar ni Tish laban sa kanyang asawa tungkol sa mga tagong yaman ng Chairman na aabot sa 1 Bilyong piso.


Giit ni Roque, hindi nila itataya ang kanilang pangalan sa impeachment complaint bilang endorsers kung walang kasiguruhan na may tetestigo na may personal knowledge ng mga reklamo kay Bautista.

Haharap si Tish sa impeachment hearing para patotohanan ang nilalaman ng affidavit nito.

Maghaharap din umano ito ng mga dokumento na magpapatunay ng mga isiniwalat laban sa COMELEC Chairman.

Sinabi ni Roque at ng dalawa pang kapwa niya endorser na sina Deputy Speaker Gwen Garcia at Cavite Cong. Abraham Tolentino na panahon na para harapin ni Bautista ang mga isyung ibinabato dito.

Facebook Comments