100 BAKA, IPINAMAHAGI NG DA SA REHIYON DOS

Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang nasa isandaang alagang baka bilang tulong pangkabuhayan sa pitong benepisyaryo ng Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program Villages at isang existing Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Village sa rehiyon dos kamakailan.

Nakatanggap ng 20 heads na alagang baka ang Mozzozzin Norte sa Sta. Maria; tig-10 heads sa Matusalem, Roxas; San Jose, San Mariano; Annafunan, Tumauini; Minante I at Union sa City of Cauayan; at Naguilian Norte, Ilagan City sa probinsya ng Isabela.

Samantala, nakatanggap din ng 20 heads na alagang baka ang AMIA village ng Nararagan, Ballesteros sa Cagayan.

Ayon sa DA, 96 heads sa mga ipinamahaging baka ay heifer o dumalagang baka at apat (4) na heads ay bull.

Layon ng BP2 program ay magbigay suporta sa mga BP2 at AMIA villages sa pamamagitan ng pamimigay ng iba’t- ibang mga modules o enterprises katulad ng mga alagang (1) baka; (2) baboy; (3) kambing o tupa; (4) ready-to-lay chicken, broiler chicken o pato; (5) mushroom production; at (6) greenhouse.

Ang mga module o enterprise ay may kasamang forage, assorted vegetable seeds, feeds at biologics.

Pinili umano ng bawat village ang mga hayop na baka na aalagaan bilang dagdag kabuhayan nila.

Umabot na umano sa higit 13 milyong halaga ng poultry at livestock animals ang naipamahagi sa ilalim ng BP2 program ng DA RFO 02 sa mga individual beneficiaries at villages ngayong taon.

Facebook Comments