Manila, Philippines – Hindi bababa sa isang daang bangkay ang nakakalat sa mga kalsada sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong, bunsod ng mahigit tatlong linggo nang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang Maute Group.
Ayon kay Adiong – mismong ang mga residenteng lumilikas mula sa marawi ang nagsabi sa kanila tungkol dito.
Sa Mindanao hour – kinumpirma ni PCOO Dir. Omar Romero na umabot na sa 310 ang nasawi sa nagpapatuloy pa rin na kaguluhan sa Marawi City.
Kabilang dito ang 59 na sundalo at 26 na mga sibilyan, habang ang iba pa ay pawang mga galing sa panig ng mga terorista.
Facebook Comments