100 bata, pinangangambahang na-trap sa gumuhong gusali sa Nigeria

64
Photo Courtesy: News Sky

Lagos, Nigeria – Aabot sa 100 bata ang pinangangambahang natabunan ng isang gumuhong gusali sa Lagos, Nigeria.

Ang gumuhong gusali ay may primary school sa ikatlong palapag kung saan nag-aaral ang mga bata.

Tulung-tulong na ang mga residente at rescue workers sa pagtatanggal ng mga debris.

Ayon kay National Emergency Management Agency Spokesperson Ibrahmi Farinloye – hindi pa sila makapaglabas ng tiyak na bilang ng casualty dahil patuloy ang search and rescue operation.

Ang Nigeria ay kadalasang tinatamaan ng building collapses dahil sa mahinang pagpapatupad ng regulasyon at paggamit ng mahinang construction materials.

Facebook Comments