PRRD, may mga sisibakin muling gov’t officials

Manila, Philippines – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga sisibakin siya muli sa gobyerno.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang Pangulo hinggil dito pero matatandaang marami na rin siyang sinibak dahil sa korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan.

Iginiit din ng Pangulo na hindi uunlad ang bansa kung hindi matitigil ang korapsyon at kriminalidad.


Hindi nagugustuhan ni Pangulong Duterte ang nangyayaring korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) at ikinuwento ang kanyang desisyon na italaga si dating Military Chief Rey Leonardo Guerrero bilang commissioner ng ahensya.

Bago ito, nagbitiw si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon.

Facebook Comments