Tuesday, January 20, 2026

100 couples sabay na kinasal dito sa Gensan

General santos City—Naging Masaya ang Valentine’s Day ng isang daang couples matapos silang nakaavail ng libreng kasal mula sa PAG-IBIG Fund kaninang umaga na isinagawa sa Robinsons mall dito sa Gensan.

Alas 8:00 ng umaga ng napuno ang ground floor ng nasabing mall ng mga bisita ng isang daang couple na sumaksi sa libreng kasalan ng Bayan na pinamagatang “IDO, IDO: araw ng Pag-ibig.

Matatandaan na taon-taon nang ginagawa ng Pag-Ibig Fund ang pagsponsor ng libreng kasal sa kanilang mga members na hindi pa nakakasal sa katunayan pang pitong taon na itong ginagawa ng Pag-ibig Fund kung saan partner din ang RMN-Gensan sa nasabing event.

Si Gensan City Mayor Ronnel Rivera ang kumasal sa nasabing mga couples.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga couples sa Pag-ibig Fund at sa Local Government Unit ng Gensan sa pagbigay sa kanila ng ganoon binipisyo dahil umano sa panahong ito masyado nang mahal ang magpakasal.

Facebook Comments