BAGUIO, Philippines – Ang ating Mayor ng siyudad ng Baguio, Mayor Benjamin Magalong, ay kailangang mag-bigay ulat para sa mga nagawa nya sa loob ng ika-isang daan nya sa serbisyo pagkatapos ng flag-raising ceremony sa City Hall.
Ang mayor ay kasalukuyang nagbibigay diin sa mga nakamit na ng siyudad kasama din ang mga proyektong kailangang iprayoridad, mga programa, at mga gawaing naka-angkla sa labing limang panunahing agenda ng gobyerno dito sa siyudad simula noong ginampanan nya ang pagiging chief executive.
Ang ika labing limang pangunahing agenda sa pagpapabilis ng action ng gobyerno; ay ang buhayin at pagtibayin ang kalikasan; palakasin ang Peace and Order; mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko; pagpapalawak ng Serbisyong Pangkalusugan at serbisyo publiko; palaganapin ang turimo sa pamamagitan ng pagpapanatili at pagpapayaman sa kultura, sining at pagawa, at pamana; pagpapaganda at pagbabago ng merkado publiko; mabisang pagtugon sa kalamidad; pinalakas na pamumuno ng mga barangay; pinatibay na Livelihood at Entrepreneurial Services; pagbawas ng bilang ng kahirapan sa lungsod; at pagtulong sa usaping lupa para sa mga katutubo.
Ang mga agenda ay nahahati mula sa ten-point executive thrusts, kung saan iprinisinta ng ating mayor sa kanyang inaugural speech, noong nakaraang hunyo kung saan din ay nangako ito sa pagpapabuti sa lungsod ng Baguio sa tulong din na ilang sector.
“With a strong partnership anchored on the principles of seamless cooperation, collaboration, coordination and communication, I am completely committed to make Baguio a better City for everyone. This I will do, not just as a mayor, but as a leader who listens with a healthy respect to everyone, who leads by example, and someone who is willing to make the tough decisions at the right time,” ito ang kanyang salaysay kung saan ay isinama nya ang ilang tagubilin netong pagpaparepaso sa ilang infrastructure at services contracts, implementasyon ng kaligtasan at maayos na pamamalakad sa mga project sites, pag-unlad ng maayos na trapiko, pag-inspeksyon sa mga gusali at ang siguraduhing nakikiayon sila sa batas pang kalikasan, pagsugpo sa mga sugal at pagtanggal ng mga fixers sa City Hall.
iDOL, narito ang link para sa live: https://www.facebook.com/pio.baguio/videos/481966729198425/